Celebrity Life

Barbie Forteza, pinigilang umiyak sa last taping day ng 'The Half Sisters'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 22, 2020 11:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Pagkatapos ng mahigit isang taon ay mamamaalam na ang nangungunang Afternoon Prime soap.


By AL KENDRICK NOGUERA, Interview by GIA ALLANA SORIANO

Ginanap na kamakailan ang last taping day ng The Half Sisters. Pagkatapos ng mahigit isang taon ay mamamaalam na ang nangungunang Afternoon Prime soap.

 

A photo posted by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on


READ: 'The Half Sisters' holds their last taping day 

Sa isang exclusive interview, ikinuwento ng isa sa mga bida ng show na si Barbie Forteza ang nangyari sa kanilang last taping day.

"Pinigilan kong umiyak kasi ang corny kasi nga pamilya na rin kami roon so kapag may umiyak, magtatawanan silang lahat. So ayokong umiyak hanggang noong nag-last taping ako," saad niya.

Naging busy rin daw ang huling taping ni Barbie. Aniya, "Sobrang daming eksena, sobrang ang hihirap ng mga eksena kasi siyempre patapos na. Ang saya! Ang saya-saya sobra!"

Paano natapos ang last taping ng The Half Sisters? "'Yung iba nga hindi na lumapit sa akin, ba-bye ba-bye na lang. Kasi 'di ba kapag niyakap ka pa or kapag bumati pa sa 'yo kapag nagba-bye pa [baka magkaiyakan pa.] Ganun-ganun na lang kami, nagpipigil kami [umiyak]," bahagi niya.

Malungkot man daw dahil nagtapos na ang show, na-realize naman daw ng cast na maaari pa silang magsama-samang muli. "Nag-usap-usap kami na maliit lang ang mundo namin, magkakatrabaho rin kami ulit or kung 'di man, kapag wala kaming ginagawa, lalabas kami," pagtatapos ni Barbie.

Mapapanood ang The Half Sisters hanggang January 22 at papalitan naman ito ng Wish I May na pagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

READ: Bagong Bianca Umali, mapapanood sa 'Wish I May'
 

Samantala, tuloy pa rin ang love team nina Barbie at Andre Paras sa kanilang bagong programa na That's My Amboy simula January 25 sa GMA Telebabad.