Robb Guinto, ipinagpaliban muna ang luho para sa ipinapagawang bahay

GMA Logo robb guinto

Photo Inside Page


Photos

robb guinto



Inamin ni Robb Guinto na nakaka-relate din siya sa role niya sa Vivamax movie na Kaulayaw.

Dito kasi nakaranas ang karakter niya ng kagipitan kaya gumawa ng paraan para sa kanyang mga pangangailangan.

“Dumating ako sa punto ko na nagipit din, kahit naman sino sa atin, e,” sabi ng sexy actress sa ginanap na media conference para sa pelikulang pagbibidahan nila ni Micaella Raz.

Patuloy niya, “Dumarating talaga sa punto ng buhay natin na nagigipit tayo. Ako, ang ginawa ko noon, halos binebenta ko na yung mga gamit ko. Binebenta ko talaga yung mga gamit ko na sobrang pinapahalagahan ko. Alam mo yun, parang ang hirap mag-let go lalo na kapag sobrang importante ng bagay na yun.”

Isa sa raw sa mga gamit na nahirapan siyang ibenta ang unang luxury bag na binili gamit ang naipon niyang pera.

“First luxury bag ko na talagang pinag-ipunan ko. Sobrang hirap ko doon kasi pinaghirapan ko, bale yun ang gift ko para sa sarili ko,” sabi ni Robb.

Ngayong nakapag-ipon-ipon na siya mula sa mga trabaho at endorsement, naalala pa rind aw niya ang bag na kanyang ibinenta.

“Naaalala ko po siya kasi parang siya yung first bag ko, e, na talagang nakita ko yung hirap ko dun, kung paano ang work na ginawa ko para makuha yung bagay na ýon. Siyempre, reward ko yung sa sarili ko para sa lahat ng sakripisyo ng ginawa ko,” sabi ng dating Black Rider actress.

Pero kahit may kakayahan nang bumili ng bagong luxury bag, ipinagpapaliban daw muna niya ito dahil nagpapagawa siya ngayon ng bahay.

Paliwanag ni Robb, “Hindi ko muna inuuna ang mga luho. Gusto ko po muna talaga unahin ang mga mas kailangan, yun nga po yung bahay. Yung mga luho po, madali na 'yan kasi parang bonus na lang 'yan, e. Kaya dapat, ang mas inuuna ayun mas mahalaga talaga.”

Samantala, narito ang ilang pang celebrities na nagpapagawa ng bahay:


Barbie Forteza
Barbie's home
Belle Mariano
Belle's house
Ryza Cenon 
Ryza's home
Team Kramer
Kramer new home
Anne Clutz
Anne's new home

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 up over 27 areas as Wilma threatens to make landfall over Eastern Visayas
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU