GMA Gala 2024: Cong TV and Viy Cortez rate the Kapuso stars they met

Kabilang ang YouTube celebrity couple na sina Cong Velasquez at Viy Cortez sa vloggers na dumalo sa katatapos lang na GMA Gala 2024.
Nakita nila sa big event ang bigating celebrities at ilan sa mga ito ay Kapuso stars.
Nakasama nila rito ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Nakapagpa-picture din sila sa Star of the New Gen at 'Abot-Kamay Na Pangarap' actress na si Jillian Ward.
Sa latest post ni Viy sa Facebook, in-upload niya ang mga larawan nila ni Cong kasama ang ilang celebrities at naisipan nila na i-rate ang looks ng ilan sa kanila.
Ano kaya ang rate nina Cong at Viy sa Kapuso stars na nakita nila sa GMA Gala 2024? Alamin sa gallery na ito.






