Kyline Alcantara and Kobe Paras spark romance rumors with cozy photos

Kahit sinabi na ni Kobe Paras kamakailan na “great friends” lamang sila ng aktres na si Kyline Alcantara, marami pa rin ang naiintriga sa tunay na estado ng kanilang relasyon.
Sa social media, tila marami pa rin ang nakabantay na netizens sa life update ng dalawa sa kanilang mga account.
Sa katunayan, ang mga eagle-eyed netizens pa nga ang unang nakapansin na tila may namumuong pagkakamabutihan sa pagitan ng dalawa bago pa man sila lumabas sa publiko nang magkasama.
Narito ang ilan sa mga larawan na nagbigay hint sa relasyon ngayon nina Kyline at Kobe:









