Kilalanin si Ralp Xyrel, ang nagpauso ng 'Maybe This Time' dance craze

Guest sa August 31 episode ng 'It's Showtime' ang Tiktok content creator na si Ralp Xyrel Villaruz, ang nagsimula ng 'Maybe This Time' dance craze sa popular na video-sharing app.
Naging emosyonal si Ralp Xyrel Villaruz nang sayawin ang dance craze na siya ang nagpauso kasama ang hosts ng 'It's Showtime' at iba pang kapwa Tiktok content creators.
"Masaya po dahil na-experience ko po ito sa buhay ko. Once in a lifetime lang po ito," saad niya.
"Vinideo ko lang 'yung sarili ko no'n kasi po nabo-bore ako kakaintay ng training ng volleyball."
Mas kilalanin ang viral sensation na si Ralp Xyriel sa mga larawang ito.






