Kapuso teen star Ralph Noriega, bakit iniwan ang show business?

Isa sa mga gino-groom na talent noon ng Sparkle GMA Artist Center bilang next generation of stars ang Kapuso teen star na si Ralph Noriega.
Ayon sa panayam sa PEP.Ph, nag-audition si Ralph sa talent management arm ng Kapuso Network noong October 2015. Matapos ang dalawang buwan, nabigyan na siya ng first GMA-7 project niya na ang primetime series na 'Poor Señorita' (2016).
Nakailang TV shows din si Ralph bilang Kapuso. Pero matapos ang kanyang maikling showbiz career, mas pinili niya ang pribadong buhay at nagtayo ng isang furniture business kasama ang girlfriend na si Julie Gwhen Box.
Kumustahin natin ang former Sparkle talent na ngayon ay isang budding entrepreneur na sa gallery na ito!








