Local celebrities na nahihilig sa bag charms

Tila nauuso na naman ang isang classic trend ngayon -- ang bag charms. Pero may twist ito dahil hindi na ito 'yung mga maliliit na bag charms na dati ay kasing laki lang ng mga pendant. Ang gamit na ngayon ay mga mini plushies.
Ilang celebrities rin ang nahihilig dito, katulad ni Global Fashion Icon Heart Evangelista. Kamakailan lang ay nag-post pa siya ng unboxing vlog ng Blind Boxes ng Labubu Dolls, isa sa mga kilalang bag charms ngayon.
Samantala, nag-post din kamakailan ang 'Balota' actress na si Marian Rivera ng kaniyang Pop Mart Molly at Labubu Collection sa Instagram. Aniya, nag-umpisa lang ang kaniyang hilig dito nang may magregalo nito sa kaniya, at nagustuhan niya ang mga karakter nito.









