Cong TV at Viy Cortez, ipinasilip ang kanilang bagong bahay

Matapos nilang bigyan ng bahay ang kanilang mga magulang, natupad na ng mag-asawang YouTube vloggers na sina Cong Velasquez at Viy Cortez ang kanilang pangarap ng makapagpagawa ng sarili nilang bahay.
Bago sila lumipat sa kanilang bagong bahay, tumira sina Cong at Viy pansamantala sa tinatawag nilang "Congpound" na magiging staffhouse din ng kanilang team.
Tumira rin ang internet-famous couple sa property nilang "Payamansion" kung saan nakasama nila ang kapwa nila vloggers, gaya ng mag-asawang Vien Iligan at Junnie Boy, na kapatid ni Cong.
Perfect timing naman ang paglipat nina Cong at Viy sa bago nilang bahay ngayong lumalaki na ang kanilang pamilya. Matapos isilang ni Viy ang unang anak nila ni Cong na si Kidlat noong July 2022, inanunsyo nila ang muli nilang pagbubuntis noong October 3, 2024.
Silipin ang family home nina Cong at Viy sa gallery na ito.









