Ruru Madrid, niligawan noon si Barbie Forteza?

Photo Inside Page


Photos

Ruru Madrid



Bago mabuo ang mga kilalang love teams tulad ng BarDa (Barbie Forteza at David Licauco) at RuCa (Ruru Madrid at Bianca Umali), maraming dating young Kapuso pairs ang tinangkilik ng fans sa iba't ibang shows ng GMA. Isa sa mga kiniligan noon ang Kapuso duo na sina Ruru Madrid at Barbie Forteza, na nagtambal sa ilang proyekto.

Sa pinakabagong episode ng GMA Public Affairs cooking talk show na Lutong Bahay, maraming viewers ang nagulat sa mga ni-reveal ni Ruru Madrid sa kuwentuhan nila ng host na si Mikee Quintos. Isa sa mga inamin niya ay dati niya raw niligawan noon ang Kapuso Primetime Princess.

" (Sino) niligawan mo or binasted ka?" tanong ni Mikee.

"14 or 15 lang yata ako, si Barbie [Forteza]," sagot ni Ruru.

"14 ako, niligawan ko siya. Ginawa ko binigyan ko siya ng tsinelas. 'Di ko alam 'yung size niya," dagdag niya.

RELATED CONTENT: Balikan ang love teams at pairs na nagpakilig sa Kapuso fans noong 2023:

Nilinaw rin ng Lolong star na magkaibigan na sila ngayon ni Barbie. Aniya, nakakatuwa rin na kaibigan niya ang Kapuso aktor na si Jak Roberto, at close naman ang Pulang Araw star sa kanyang real-life partner na si Bianca Umali.

Bilang karagdagan sa mga usapin ng pag-ibig, ibinunyag din ni Ruru Madrid ang ilang detalye tungkol sa kanyang buhay at karera. Inamin niyang minsang naging kampante siya sa kanyang trabaho bilang artista, kaya't tila umabot sa punto na nag-plateau ang kanyang career.

"Hindi yumabang, pero parang wini-wing ko na lang 'yung mga ginagawa ko. Parang iniisip ko na wala na makakapigil sa akin na kahit matupad ko na mga pangarap ko, kahit hindi ko masyado ginagalingan itong ginagawa ko. Lagi ako gumigimik, lumalabas ako, hindi ko masyado sineseryoso mga ginagawa ko. Nakampante," pahayag ni Ruru.

Maliban sa Lutong Bahay, malapit na ring mapanood muli ang Action Hero sa number one adventure serye sa Philippine primetime at 2022's most watched TV show na Lolong. Sa bagong sequel, pinamagatan itong Lolong: Bayani ng Bayan.

Sunod na mapapanood si Ruru Madrid sa pelikulang Green Bones, ang official entry ng GMA Pictures at GMA Public Affairs sa 2024 Metro Manila Film Festival. Kasama niya sa pelikula ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo at iba pang talented actors tulad nina Alessandra De Rossi, Iza Calzado, Kylie Padilla, at Sienna Stevens.

RELATED CONTENT: Check out 15 of Ruru Madrid's hottest photos in the gallery below:


Inked
Rough rider
Sweet smile
Back in black
The look
Bold in black and white
Finding the balance
In the eyes
Giving face
Crop top
Chic in Chanel
Vested interest
Achiever
Simply sexy
At work

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve