Kris Bernal, ipinasilip ang 'Casa Choi'

GMA Logo Kris Bernal, Perry Choi, Hailee
Photo by: krisbernal (IG)

Photo Inside Page


Photos

Kris Bernal, Perry Choi, Hailee



Isa sa nilu-look forward ni Kris Bernal ay ang pagkakabuo ng dream house niya at ng kanyang pamilya.

Sa isang bagong vlog, masayang ipinasilip ni Kris ang ilang bahagi ng bahay habang kasalukuyan itong ginagawa.

Sabi ni Kris, “Buo na siya. Sa wakas, hindi na siya lupa lang.”

Ayon pa sa celebrity mom, abala siya ngayon sa pagtutok sa bawat kailangan para sa kanilang dream house.

LOOK: Stunning official wedding photos of Kris Bernal and Perry Choi

“Very hands-on talaga ako rito sa house construction namin… pagpili ng tiles, mga kulay, raw materials. Kilala n'yo naman ako, kung sa negosyo ko hands on ako, sa lahat ng bagay eh involve talaga ako,” sabi niya.

Sa naturang video, inilahad din ni Kris na naganap ang groundbreaking para sa kanilang dream house noong February 26, 2023.

Mababasa sa comments section ang reaksyon ng netizens at fans tungkol sa mala-palasyong bahay na ipinapatayo ni Kris at ng kanyang asawa.

Tinawag ng aktres na “Casa Choi” ang pinapagawa nilang bahay.

Sa kasalukuyan, mayroon nang halos 150,000 views ang naturang vlog ng aktres.

Si Kris ay happily married sa kanyang non-showbiz partner na si Perry Choi at loving mom sa kanilang adorable baby girl na si Hailee.

Samantala, tingnan ang toy shopping nina Kris Bernal at Baby Hailee in Harajuku, Japan:


Family
Tourist spots
Harajuku
Fashion
Royal Molly
Winter

Around GMA

Around GMA

TUCP solon: SC order on P60-B PhilHealth funds a 'wake up call' for universal healthcare
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu