Euwenn Mikaell, nakatanggap ng birthday surprise mula sa cast at crew ng bagong movie

Nakatanggap ng birthday surprise ang Forever Young star na si Euwenn Mikaell mula sa cast at crew ng ginagawa niyang pelikula.
Sa isang Instagram post, ipinakita ni Euwenn ang selebrasyon ng kanyang 12th birthday kasama ang cast at crew ng naturang upcoming movie.
Ilan sa mga aktor na makakasama ni Euwenn sa pelikula ay sina Pambansang Ginoo David Licauco, Liezel Lopez, Buboy Villar, Chariz Solomon, Betong Sumaya, at Jay Ortega.








