Celebrity Life

Alden Richards, nag-iisa sa kagandahang asal – Direk Joey Reyes

By MERYL LIGUNAS
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 3, 2020 7:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve
2025 Showbiz Recap: Milestones, collaborations, and farewells in Philippine entertainment
A cake for pet dogs? Chef RV shares new recipe

Article Inside Page


Showbiz News



Mas lalong napabilib ni Alden ang direktor na si Jose Javier Reyes.


Mas lalong napabilib ni Alden Richards ang direktor na si Jose Javier Reyes dahil sa isang tawag.

Kinuwento ni Direk Joey na pagkatapos niyang magbitiw ng magagandang salita tungkol kay Alden sa isang interview ng Ang Pinaka ng GMA News TV, tumawag ito sa kanya para magpasalamat, Sa tinagal daw niya sa industriya, wala pang gumagawa sa kanya ng ganun.

 

Do you know how much of a gentleman he is? In my so many years in this business, no one has ever gone out of his way to call me to THANK ME for an interview I gave on tv last night. Alden Richards, you deserve all the blessings coming your way because you are a GOOD MAN! Nag-iisa ka sa kagandahang asal.

A photo posted by @direkjoey on

 

Kinuwento ni Direk Joey na director ng ‘My Bebe Love’, ang unang pelikula kung saan nagsama sina Alden at ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza, na talagang madaling mapamahal ang mga tao sa binata.

“Si Alden, gustong gusto mong kaibiganin. Una kasi, napaka-disenteng tao niya… He’s such a gentleman. Walang angas yun. Mabait ang dating niya. Pag tiningnan mo si Alden, may kuwento din siya behind him na all the years nag-struggle siya bago niya na-achieve 'yung fame na nasa kanya na ngayon,” sabi niya.

Inihantulad din niya ito sa endorser at Eat Bulaga host na si Ryan Agoncillo.

“Ang kanyang image ngayon is like another Ryan Agoncillo na image ng isang disenteng tao, isang disenteng lalaki na edukado,” dagdag niya.

Isa rin daw sa nakakatuwang katangian ni Alden ay madali siyang makibagay sa kanyang kapaligiran.

“Mukhang mayaman si Alden 'di ba? Pero taga-Calamba, Laguna siya. You get the irony? Irampa mo yan sa Rockwell, irampa mo yan sa Shangri-La, blend. Pero irampa mo rin yan sa mga kasuot-suotan ng Laguna, blend pa rin siya,” aniya.

Iprinoklama ng Ang Pinaka si Alden bilang Pinaka-mabentang Kapuso Celebrity Endorser. Top two naman si Maine.

MORE ON ALDEN RICHARDS: 

Alden Richards returns to 'Eat Bulaga' after three weeks

Alden Richards, featured in Asian TV awards and music website

WATCH: Alden Richards, may mensahe sa nagpauso ng lip-biting