Bianca De Vera's mom asks for prayers for family dog, Peach

Kasalukuyang ramdam na ramdam sa social media ang pagkakaisa ng fans ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Bianca De Vera para sa family dog ng kanilang iniidolo.
Ito ay kasunod ng post ng mommy ni Bianca na si Aileen sa Instagram Stories tungkol sa kanilang furbaby na si Peach na ayon sa kaniya ay mayroon ng taning ang buhay.
Sulat niya, “Bianca's fans, friends, and family, I need you now. Please pray for Peach. She got less than 24 hours to live.”
Kaugnay ng hiling ng mommy ni Bianca, napa-react ang fans dahil dapat umano itong maipaalam sa aktres.
Ayon pa kay Aileen, “She deserves to know talaga. Kung pwede lang i-pull out ko siya sa PBB [Pinoy Big Brother] kasi alam ko mas importante 'to sa kanya, kaysa sa career na gusto niyang marating doon.”
RELATED CONTENT: Meet the Kapuso and Kapamilya housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'
Ayon sa isang report, matapos bumuhos ang posts ng fans tungkol dito, naipaalam na ito sa producers ng programa at nakatakda na itong ipaalam kay Bianca.
Sulat naman ng mommy ni Bianca sa hiwalay na Instagram Stories, "Lord, save both of my babies pls."
Samantala, ang Kapamilya star ay isa sa mga nominado ngayon sa pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay ng mga sikat. Ang kaniyang ka-duo na kasabay niyang nominado ay ang Kapuso star na si Shuvee Etrata.
Isa ka ba sa mga tagahanga ng ShuCa [Shuvee at Bianca]?
Voting is now open at maaari nang iligtas ang iyong paboritong celebrity duo.
Huwag palampasin ang susunod na mga pasabog na sorpresa mula kay Kuya.
Mapapanood ang pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, weekdays 10:00 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
Samantala, tingnan ang ilan pang celebrities na nagdalamhati sa pagpanaw ng kanilang pinakamamahal na pets:





























