Bea Alonzo at Vincent Co, spotted na magkasama sa isang Instagram story

Muling nabuhay ang mga usap-usapan sa social media tungkol sa umano'y espesyal na ugnayan sa pagitan ng Kapuso actress Bea Alonzo at low-key retail heir Vincent Co.
Sa isang Instagram story na ibinahagi ng photographer na si Andrei Suleik, spotted ang dalawa sa isang cozy gathering kasama ang mga kaibigan tulad nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.
Ngunit higit sa lahat, agaw-pansin pa rin sa netizens ang tila sweetness at body language nina Bea at Vincent.
Makikita sa litrato na halos nakayakap si Vincent kay Bea, habang hawak naman ng aktres ang kanyang braso. Marami rin ang nakapansin kung paano nakasandal si Bea sa businessman--isang senyales umano ng comfort at closeness.
Ang nasabing Instagram story ay muling reshared ni Heart Evangelista sa kanyang IG account, na may tags para kina Bea at iba pa nilang kasama.
Nagsimula ang mga usapin noong nakitang may babaeng kasama si Vincent sa kanyang bakasyon sa Andalucia, Spain. Marami ang humuhula na si Bea ang nasa post, lalo na't nag-like siya sa larawan ni Vincent at nag-comment pa ng heart emoji.
Mabilis ding naikumpara ng ilang netizens ang suot ng aktres sa ibang IG post nito sa damit ng babaeng kasama ni Vincent sa Spain photo.
Kamakailan lamang, nakita rin si Bea sa isang brand event kung saan si Vincent ang tumatayong presidente. Hindi ito inaasahan ng fans, kaya mas lalong nabuhayan ng apoy ang usap-usapan tungkol sa kanilang namumuong ugnayan.
Samantala, kilalanin pa ang rumored beau na si Vincent Co:







