Angelu De Leon, Bobby Andrews, at Michael Flores, inalala ang kaibigang si Red Sternberg

GMA Logo TGIS barkada

Photo Inside Page


Photos

TGIS barkada



Inalala nina Angelu De Leon, Bobby Andrews, at Michael Flores ang kanilang yumaong kaibigan na si Red Sternberg na nakasama nila sa '90s drama series ng GMA na T.G.I.S.

Pumanaw si Red noong May 27, tatlong araw bago ang kanyang 51st birthday, ayon sa Facebook post ng kanyang asawang si Sandy.

Sa episode ng Fast Talk With Boy Abunda ngayong Biyernes, June 6, naging emosyonal sina Angela, Bobby, at Michael nang mapag-usapan ang minamahal nilang kaibigan at dating katrabaho.

Ayon kay Bobby, nakausap pa niya si Red isang linggo bago ito bawian ng buhay. Aniya, "It's hard to accept because I was just talking to that guy a week before so how can this happen? Ang hirap. He was working out, he was losing weight, he was very excited to come home."

Hindi naman napigilang maluha nina Angela, Bobby, at Michael nang basahin ng TV host na si Boy Abunda ang liham na ipinadala ng maybahay ni Red para sa kanila at sa followers ng late actor.

Ayon kay Angelu, nalulungkot din siya para sa naiwang pamilya ni Red dahil naging mabuting ama at asawa ito.

Sabi ni Angelu, "Last time I talk to him, he was so excited about his bunso kasi only boy n'ya at saka 'yun 'yung time na ine-enjoy nya 'yung fatherhood. Talagang this is a different side of Red kung paano namin naramdaman kung paano siya naging isang kaibigan. Sina Sandy are very fortunate to be able to be given time with Red na tulad ng sinabi n'ya, planado lahat, may solusyon sa lahat, and 'yun 'yung isa sa pinakamasakit e, you're just turning 51."

Inamin naman ni Michael na nagbabalak umuwi ng Pilipinas si Red para subukang mag-artista ulit.

Aniya, "Plano n'ya talagang bumalik muna dito. Plano n'yang mag-artista ulit e. Humihingi pa nga siya ng advice sa 'min ni Bobby kung sinong pwedeng kausapin. Kung naging okay, pwedeng mag-stay pa rin muna sila for a while kung okay yung magiging outcome."

Ayon pa kay Michael, nagpaplano rin sila para sa kanilang reunion bilang pagdiriwang ng 30th anniversary ng T.G.I.S.

Balikan ang masasayang alaala ni Red sa gallery na ito.


Red Sternberg and Bobby Andrews
T.G.I.S.
Friend
Throwback
Matinee idol
First taping

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026