Celebrity Life

WATCH: Lorna Tolentino, mga anak na sina Rap at Renz, binisita si Mark Anthony Fernandez sa kulungan

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 21, 2020 3:23 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - DOH on holiday health and emergency preparedness (Dec. 22, 2025) | GMA Integrated News
Cops foil delivery of suspected shabu, explosives in Ozamiz
Puto bumbong-inspired drink this Christmas

Article Inside Page


Showbiz News



Bukod sa inang si Alma Moreno, bumisita na rin kay Mark Anthony Fernandez ang kanyang step mom na si Lorna Tolentino at half-brothers na sina Rap at Renz Fernandez.


Bukod sa inang si Alma Moreno, bumisita na rin kay Mark Anthony Fernandez ang kanyang step mom na si Lorna Tolentino at half-brothers na sina Rap at Renz Fernandez.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, hindi na umalis sa Angeles, Pampanga si Alma para matutukan ang kasong kinakaharap ng kanyang panganay na anak.  Bago naman mag-alas singko ng hapon kahapon, October 7, ay dumating sa Station 6 sina Lorna, Rap at Renz.

Nauna nang ikinuwento ni Lolit Solis na hindi raw tinigilan ni Lorna ang paghanap kay Alma nang mabalitaang naaresto si Mark Anthony matapos mahulihan ng isang kilo ng marijuana.

Apat na gabi nang nakakulong ang aktor sa Station 6. Hinihintay raw nila ang commitment order mula sa korte kung makakalipat nga ba si Mark Anthony sa Pampanga Provincial Jail.

Video from GMA News

MORE ON MARK ANTHONY FERNANDEZ:

READ: Melissa Garcia on ex-husband Mark Anthony Fernandez: "I will always have respect and care for you"

IN PHOTOS: Ang mga babae sa buhay ni Mark Anthony Fernandez

IN PHOTOS: Celebrities na nabilanggo