Celebrity Life

Gaano kaimportante ang pagpapakatotoo kay Sinon Loresca?

By ANN CHARMAINE AQUINO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 10, 2017 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Sa kuwento ni SInon, hindi biro ang pinagdaanan niya noong bata siya nang aminin niya sa kanyang pamilya ang totoo niyang damdamin at kasarian.

Sa gitna nang paghahanda nina Chef Boy Logro at Bettinna Carlos ng kanilang dish sa Idol sa Kusina, tinanong nila si Sinon "Rogelia" Loresca tungkol sa kanyang pagpapakatotoo tungkol sa kanyang kasarian.

WATCH: Avocado recipes at ilang katatawanan, pinagsaluhan nina Chef Boy Logro, Bettinna Carlos, at Sinon Loresca sa 'Idol sa Kusina'

Kuwento ni Sinon, bata pa lamang siya nang magsimula niyang matuklasan ito. Aniya, "Basta alam ko grade 5 pa lang ako, alam ko na bakla na ako kasi mahilig akong maglaro ng Barbie at Chinese garter."

Dagdag pa ni Sinon ay importante sa kanya ang pagpapakatotoo.

"'Yun naman po talaga. Ako bata pa lang talaga pinalaya ko na. Kahit alam kong hindi ako kayang tanggapin ng magulang ko sasabihin ko sorry, dito ako maligaya. Kung hindi kayo maligaya, ako ang aalis."

"Mahirap para sa akin siyempre dise-sais pa lang ako, nag-Payatas na ako kasi nga ayoko naman na kasama ko ang pamilya ko pero hindi ako itinuturing na isang pamilya," pagpapatuloy niya.

Ngayon ay tanggap na si Sinon ng kanyang pamilya. Aniya, ito ay nagsimula nang siya ay makalabas ng bansa. 

"Tinanggap ako ng magulang ko nang nakapag-abroad na ako lalo na nung nag-artista ako. 'Day halos sambahin na ako." Biro ni Sinon.

MORE ON SINON LORESCA:

WATCH: Mga panalong hirit ni Sinon "Rogelia" Loresca sa 'Idol sa Kusina'

WATCH: Sinon Loresca, rumampa at pinagkaguluhan sa Indonesia