
Hot and sexy and Impostora star na si Kris Bernal sa kanyang meet and greet bilang cover girl ng FHM. Ano kaya ang sikreto sa kanyang 22-inch waistline?
Dinumog ng fans ni Kris ang kanyang naging autograph signing para sa naturang men’s magazine. Ayon sa ulat ng 24 Oras, thankful ang aktres sa natatanggap niyang suporta sa gitna ng desisyon niyang magpaka-daring.
Ani Kris, “Nakakataba ng puso kasi hindi mo akalain na even may pagbabago, even from sweet to something really sexy, alam mong nandyan pa rin sila.”
Sa parehong panayam, ibinahagi rin niya ang susi sa kanyang fit at sexy na pangangatawan.
Sambit niya,“Very careful lang din ako sa calorie intake ko and sa food na kinakain ko. I just don’t eat pork and rice.”
“’Yung workout, doon ko na-realize na nakakatulong siya para bigyan ka ng form,” diin din ng aktres.
Lagi raw ganado mag-gym si Kris, at nakakasama niya rito ang kanyang Impostora co-star na si Sinon Loresca.
Kuwenta niya, “Minomotivate niya ako. May kasamang humor so tawang-tawa [ako]. Alam mo ‘yun, enjoy lang. Hindi ko napapansin na nahihirapan ako.”
Video from GMA News
Photos by: @krisbernal(IG)