
Marami ang naintriga sa 22-inch waist ng upcoming Impostora star na si Kris Bernal. Fret not, ibinahagi na ng Kapuso star ang kanyang workout routine sa Unang Hirit kaninang umaga.
Total body workout ang kanyang pinagtutuunan ng pansin para magkaroon ng curves at form ang kanyang katawan.
“I’m trying to gain weight,” bungad ng sexy actress na halos lahat na workout na kanyang ginawa ay weight lifting. Ito daw ay parang magmukhang malaki ang kanyang petite at small frame.
“Kung gaano kahirap magbawas, ganun din kahirap magdagdag. Hindi naman ibig sabihin na magdagdag ka ay kain ka na lang nang kain nang kung anu-ano. Andun pa rin ako sa healthy lifestyle,” ani ng Kapuso actress.
Pinatunayan rin ni Kris na hindi siya underweight, “I only stand 5’1” and my weight is only 105 lbs. Noong tinanong ko ‘yung nutritionist ko if appropriate lang naman ‘yung weight ko, sabi niya, ‘For your height, tama lang.’”
Ang paglalantad ng aktres ng kaseksihan sa FHM May 2017 cover ay ang kanyang paraan upang makapag-explore ng mas mature na roles. Abangan si Kris sa upcoming remake ng 2007 drama ngayong June 12 (Monday) sa GMA Afternoon Prime.
Video from GMA News