
Kasabay ng pagbahagi ni Rita Avila kung paano niya kinaya ang pagkamatay ng kanyang anak ay ang paglilinaw ng aktres na hindi siya isang mental case.
Isang komento ang natanggap ni Rita na may problema siya sa pag-iisip dahil iniisip daw nito na ang kaluluwa ng kanyang mga pumanaw na anak ay nasa mga manika niya.
Kuwento ng aktres, “Nang makunan ako 12 years ago, pinagbintangan akong nabaliw. Nang mamatay ang anak ko, lalo daw ako nabaliw. Kung totoo po ‘yan ay sa mental hospital niyo na ako pupulutin.”
Ipinagkikibit-balikat na lamang daw ni Rita ang mga ganitong masasamang pahayag tungkol sa kanya.
Aniya, “Sa gitna ng pambabato nila, ako ay tumayo, bumalik sa trabaho, nagsulat ng mga libro bilang pag-akap ko sa mga kabataan.”
“Ninanais kong maging paraang ang Instagram at Facebook para maka-inspire, makapagpatawa, makaturo, makapagpabuti, at gawin kayong bahagi ng aking buhay,” patuloy niya.