
Gaano kabihasa ang French-Filipina Kapuso star na si Solenn Heussaff sa paggamit ng wikang Filipino?
Hinamon ni Unang Hirit host Susan Enriquez ang aktres na isalin ang road o traffic signs mula sa wikang Ingles at ipaliwanag ito sa Tagalog.
Pumasa kaya ang Filipina-French TV host sa Sos-San challenge?
Samantala, hinamon rin ni Solenn ang GMA reporter na mag-rap sa Tagalog. Pumasa naman kaya si Susan sa challenge na ito?
Kasalukuyang nasa morning chikahan ang sexy actress para i-update tayo sa latest showbiz happenings.