
Napasaya na naman ni social media star Scarlet Snow Belo ang kanyang mga followers!
Sa isang maikling video na ibinahagi ng kanyang mommy na si celebrity doctor Vicki Belo, mapapanood na sumasayaw si Scarlet sa awit na Despacito.
Maririnig na aliw na aliw si Dra. Vicki sa pagsayaw na ginagawa ng anak, lalo na ang "wiggle wiggle" dance move nito.
Ang Despacito ay isang popular na awit mula sa Puerto Rican musicians na sina Luis Fonsi at Daddy Yankee. Mas sumikat pa ito nang ilabas ang remix version nito inawit ang pop star na si Justin Bieber.