Celebrity Life

LOOK: Jessy Mendiola, pinuri ang hairstyle ni Lovi Poe

By Aedrianne Acar

Kasalukuyang ineenjoy ng Kapuso drama actress na si Lovi Poe ang bakasyon niya sa ibang bansa.

WATCH: Do we hear wedding bells soon for Lovi Poe and rumored Fil-French boyfriend?

Matatandaan na sa panayam niya sa Chika Minute noong nakaraang Agosto ay susulitin daw niya ang European trip kasama ang Fil-French rumored boyfriend niya na si Chris Johnson.

Napansin naman ng netizens ang naging palitan ng messages ni Lovi at Kapamilya talent na si Jessy Mendiola.

 

Nag-comment kasi si Jessy sa hairstyle ng Kapuso star nang mag-post ito ng kaniyang photo sa Instagram.

 

 

Matapos umattend nina Lovi at Chris sa wedding ng celebrity doctors na sina Hayden Kho at Vicki Belo sa France ay nag-tungo naman ang dalawa sa Amsterdam, Netherlands.