
“Ang Christmas wish ko.. ‘yung totoong Christmas wish ko ha, makapunta sa Australia, ‘yun lang," pag-amin ni Boobay sa exclusive interview sa kanya ng GMANetwork.com. Bahagi kasi ng komedyante, hindi niya makakapiling ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Kent Juan Resquir.
Anang Celebrity Bluff star, sa Australia na mamamalagi ang kanyang nobyo dahil sa trabaho. Gayunpaman, na-maintain pa rin nila ang kanilang relasyon.
Paliwanag ni Boobay, “Okay naman kami kaso syempre hindi na ‘yung regular na nakakausap mo kasi may work na rin siya doon. Tapos hindi na siya the usual na kumbaga nasanay ka na kasama mo siya araw-araw pero iba na ngayon. Pasko ngayon na wala, mag-isa [ka]. May family ka naman so doon mo i-spend ‘yung Christmas mo.”
Magkalayo man sina Boobay at Kent, masaya pa rin daw ang komedyante at ang mahalaga raw ay mayroon pa rin silang komunikasyon.
Payo rin niya sa ibang nasa long distance relationship, “Wag masyadong sensitive. Kasi minsan ‘di ba porket hindi lang nakapagparamdam ‘yung isa, gagawin mo nang issue na ‘Ah, hindi ka nagparamdam ah.’ May ganun-ganun. Intindihin mo na hindi naman buong oras niya [ay hawak niya]. Kaya nga siya nandoon kasi magwo-work so as much as possible kung wala siyang time makapag-reply sa messages mo, maintindihan mo ‘yun."
"Hindi mo ‘yun gagawing issue kasi minsan ‘yun ‘yung nagiging rason ng pag-aaway ‘di ba, so ‘yun ‘yung iniiwasan ko at ganun din naman siya," patuloy niya.