Celebrity Life

LOOK: Gardo Versoza helps the less fortunate through fund-raising activities

By Jansen Ramos
Published December 22, 2017 7:31 PM PHT
Updated December 22, 2017 7:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2026 is a year of passion and determination, says Feng Shui expert
Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Miss Grand International All Stars announces rescheduling

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi lang libangan kay Gardo Versoza ang pagba-bike dahil paraan niya rin ito para makatulong sa kapwa.

Bukod sa pagiging mahusay na aktor, isang inspirasyon din kung ituring si Gardo Versoza.

Hindi lang libangan kay Gardo ang pagba-bike dahil paraan niya rin ito para makatulong sa kapwa.

Taong 2015 noong inilunsad niya ang Cupcake Bikers 143, isang organisasyon ng mga bike riders na tumutulong sa mga nangangailangan.

 

 

Bukas, December 23, gaganapin ang kanilang huling charity bike ride para sa taong 2017 kung saan mangangalap sila ng tulong para kay Troy Terrence Legaspi, ang 11 month-old baby na may sakit na cervical meningocele.

 

 

 

“Sa mga nais pong sumama sa huling charity bike ride ng CUPCAKES para sa taong 2017 para maghatid po ng tulong kay Baby Troy, ‘yung may bukol po sa litrato, bukas po ito, December 23, 2017. Ride out po sa McDonald’s Libis malapit po sa Green Meadows ay 5am. Para sa mga karagdagang detalye, mangyari po lamang na i-check sa Facebook page po na CUPCAKE BIKERS 143. Halfday VISA po lamang ang need dito. Marami pong salamat at maligayang pasko sa lahat. #cupcakebikers143”

Sa ngayon, may mahigit anim na libo na ang miyembro ng naturang organisasyon. Maliban sa pagtulong sa mga may sakit, tumutulong din ito sa mga mahihirap at nagbibigay ng scholarship sa mga nais mag-aral.