Celebrity Life

WATCH: Ashley Ortega, hindi nag-rebelde kahit lumaking walang ama

By Marah Ruiz
Published December 29, 2017 12:13 PM PHT
Updated December 29, 2017 2:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 30, 2025
Dagan sa Panahon Sayran nato Karong Adlawa December 29, 2025 | Balitang Bisdak
The most controversial stories of 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Limang taon pa lang ang Kapuso actress nang maghiwalay ang mga magulang niya.

Ang ganda ng 19-year-old Kapuso cutie na si Ashley Ortega ay salamat daw sa mixed blood ng kanyang amang Spanish-Filipino at German-Filipina na ina. 

Pero, hindi niya naranasang lumaki kasama ang kanyang ama. 

"Siguro at the age of five, nag-separate na 'yung parents ko. We were kids that time. Medyo hindi pa namin na understand but nakasanayan na namin that way," paliwanag niya. 

Sa kustodiya ng kanilang nanay nanatili Ashley at ang kanyang dalawang kapatid. Wala din daw silang komunikasyon sa kanilang tatay simula noon. 

"Siguro that was the biggest challenge sa life namin—growing up without a father. Noong una, it was hard pero nakasanayan ko na siya eh. Nakasanayan na naming lahat," bahagi niya. 

Masaya naman daw siyang lumaki pa rin sila nang maayos. 

"What's important is hindi kami naging rebel, kaming magkakapatid, kasi natanggap na naming lahat," pahayag ni Ashley. 

Panoorin ang interview ni Rhea Santos kay Ashley sa Tunay Na Buhay.

Video from GMA Public Affairs