Celebrity Life

WATCH: Michael V credits Francis Magalona for fostering his love of video games

By Marah Ruiz
Published January 2, 2018 2:17 PM PHT
Updated January 2, 2018 2:34 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Driver dies after truck falls into ravine in Sarangani
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Ano'ng "sakit" ni the late Master Rapper Francis Magalona ang nakahawa kay Michael V?

Sa kanyang pinakabagong vlog, ni-review ni Kapuso comedian Michael V ang kanyang video game console na Nintendo Switch. Sa video, ikinuwento niya kung paano nagsimula ang pagkahumaling niya sa video games.

"Ang una kong exposure sa video games ay sa isang grocery. Kung lumaki ka sa Taguig o sa FTI o sa Upper Bicutan o sa Parañaque, siguro napuntahan niyo 'yung Almo Supermart. Ito 'yung unang-unang airconditioned na grocery na kinamulatan ko at tuwang-tuwa ako kapag sinasama ako ng nanay ko doon," kuwento niya. 

"Sa Almo din ako unang nakakita ng arcade game, 'yung hinuhulugan ng piso. Ang first video game na nalaro ko sa buong buhay ko, Space Invaders," dagdag pa niya. 

Aliw na aliw raw siya sa game pero may kamahalan ang paglalaro nito kaya masaya siya kapag ipinapalaro o ipinahihiram ng kanyang mga kaklase ang kanilang mga gaming console sa kanya. 

Naranasan din niyang maglaro at magrenta ng family computer noon sa Greenhills. 

Nang pumasok siya sa showbiz, nakilala niya si Francis "Kiko" Magalona na taong bumago raw ng kanyang gaming life. 

"Si Kiko ang nagpakilala sa 'kin sa Virra Mall. Kabisado niya lahat ng sulok ng Virra Mall. Mahal siya ng lahat ng nagtatrabaho sa Virra Mall. Alam niya kung saan magandang kumuha ng comic books, ng mga movies, ng mga laruan at higit sa lahat ng video games," kuwento niya tungkol sa kaibigan. 

Lubos na mahilig daw sa gadgets noon si Kiko.  Ani Bitoy, "Meron siyang kakaibang sakit na siya mismo ang nagpangalan. Meron siya nung tinatawag na 'hardware syndrome.' Ito 'yung feeling na lahat ng klase ng gadgets—mapa cellphone or computer o video game console eh dapat magkaroon ka."

Tila nakakahawa daw ang sakit na ito dahil dito raw niya nakuha ang habit niyang bumili at mangolekta ng iba't ibang gaming consoles. Ang pinakabagong gaming console na idaragdag niya sa kanyang koleksiyon ay ang Nintendo Switch na regalo sa kanya ng kanyang misis.