
Ibinahagi sa Instagram ni Ice Seguerra ang love story nila ng asawa na si Liza Diño.
Aniya, “5 taon mula nang makita kang muli. 5 taon mula nung nagkakulay at nabuhay ang aking mundo. 5 taong walang kasing ligaya. 5 taong punong-puno ng pagmamahal. Limang taon at habangbuhay na patay na patay sa iyo.”
Sa Instagram naman ni Liza, may post rin ito tungkol sa kanilang love story, mula nung una silang magkakilala, magkalayo, at kung paano sila nagkita muli.
“Jan 8, 2013. Chocolate Kiss UP Diliman -- nagkitang muli ang dalawang magkaibigan pagkatapos ng 13 taon. It was supposed to be a casual reunion pero si girl, pawis na pawis ang kili-kili sa nerbyos (pero di pinapahalata) at si boy, di mapakali sa kinauupuan.”
“Nag-usap sila, nagkwentuhan tungkol sa nakalipas at di namalayang nagkakapalagayan silang muli ng loob. Ok na sana ang takbo ng usapan, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, tinawagan ni boy ang babaeng kanyang nililigawan at finace time sa harap ng kaibigan."
“Anak ng ?#$@%#! Yan lang naman ang memory ko sa picture na 'to lablab!!! Happy 5th finding-each-other Anniversary at 3rd Wedding Aniversary sa atin lablab ko! Aba, buti naman at ako ang pinili mo. Eh di ang saya-saya mo ngayon diba?”
Pinakita rin ni Ice kung paano nag-evolve ang kanilang pag-ibig mula nung 2003, hanggang ngayon.
Kinasal sina Ice at Liza sa Amerika noong December 8, 2014.