Celebrity Life

WATCH: Mikael Daez at Solenn Heussaff, nagbigay ng tips kung paano gumawa ng vlog

By Bea Rodriguez
Published February 9, 2018 2:24 PM PHT
Updated February 9, 2018 2:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



How to create your vlog according to Kapuso stars Michael V, Mikael  Daez and Solenn Heussaff.

Maraming artista na ang nagbabahagi ng kanilang talento sa online world. Ang Kapuso stars tulad nina Mikael Daez, Solenn Heussaff, Michael V at Bea Binene ay gumagawa ng videos o “vlogs” at ipino-post sa digital platform.

Kadalasan, ang mga content ng kanilang vlogs ay ang mga nangyayari sa kanila sa tunay na buhay at hindi nakikita sa TV.

Si Mikael at ang kanyang girlfriend na si Megan Young, shine-share ang kanilang travels at ang mga pinupuntahang destinasyon.

“More often than not, nagiging memorable ‘yung mga travel namin, and especially, ‘yung mga vina-vlog kasi parang permanent na ‘yung memory,” ani Mikael sa report ng Unang Hirit.

Mahilig naman mag-share si Solenn ng kanyang random videos kasama ang kanyang asawang si Nico Bolzico.

Ayon sa sexy actress, “Importante na mag-create ng sarili mong branding on the digital platform so may other way ako to promote and to showcase, I wouldn’t say different talents, but mga kalokohan ko.”

Unboxing at pagbibigay naman ng reviews ang hilig ni Pepito Manaloto star Michael V, “Kung ano’ng meron ako, ikukuwento ko sa inyo [at] gagawan natin ng vlog tapos sabihin ko sa inyo kung sulit o hindi.”

Para sa mga gusto magsimulang mag-vlog o gumawa ng kanilang video content, nagbigay ng tips sina Mikael at Solenn.

Practice makes perfect, ayon kay Mikael, “Kahit hindi siya maganda sa tingin n'yo, post n'yo lang tapos unti-unting mag-i-improve iyan.”

Maging original naman ang kay Solenn, “Huwag niyong gayahin ‘yung mga iba, gawin mo ‘yung style mo, hindi mo kailangan i-try na gayahin ang mga iba kasi marami siyang followers or marami siyang likes.”

Video courtesy of GMA News