Celebrity Life

Heart Evangelista, naka-bonding ang kapatid ng ex-BF niya na si Daniel Matsunaga

By Aedrianne Acar
Published February 23, 2018 11:40 AM PHT
Updated February 23, 2018 11:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Zelenskyy says Russia using Belarus territory to circumvent Ukrainian defenses
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Patunay lamang na maayos ang naging pagtatapos ng relasyon nina Heart at Daniel ang nabuong friendship ng Kapuso star sa kapatid ng kanyang ex-boyfriend na si Vanessa Matsunaga.

Hindi man nauwi sa happy ending ang naging relasyon nina Heart Evangelista at Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga, napanatili pa rin ng dalawa ang respeto sa isa’t isa.

LOOK: Ang mga lalaki sa buhay ni Heart Evangelista

Natapos ang almost two-year relationship nina Heart at Daniel noong taong 2012.

Patunay lamang na maayos ang naging pagtatapos ng kanilang relasyon ang nabuong friendship ni Heart sa kapatid ni Daniel na si Vanessa Matsunaga.

Ibinahagi ng Kapuso actress ang naging reunion niya kay Vanessa makalipas ang pitong taon. Nag-bonding sila sa isang resto na pagmamay-ari ng pamilyang Matsunaga sa Bonifacio Global City sa Taguig nito lamang Miyerkules, February 21.

 

Minhas Irmãs @vanessamatsunaga and @_erikatang...reunited after 7 years ?????? Lovely lunch at @naxionaldiner yesterday with my pao de queijo and feijoada!

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

 

 

And that's how we got reunited again 7 years after these amazing people sew the first seeds of God's kingdom into my life ?????? Ecclesiastes 3 ????????

A post shared by Erika Tang ???????? (@_erikatang) on

 

Ikinasal si Heart kay Senator Francis “Chiz” Escudero sa luxury island resort na Balesin taong 2015.