Celebrity Life

READ: Ano ang wish ni Kyline Alcantara for Bianca Umali?

By Felix Ilaya
Published March 18, 2018 6:15 AM PHT
Updated March 18, 2018 10:15 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIST: Winners of the MMFF 2025 Gabi ng Parangal
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News



Isa si Kyline sa mga 18 Candles ni Bianca Umali sa debut niya. Ano kaya ang naging wish nito para sa 'Kambal, Karibal' co-star?

 

 

Star-studded ang naging debut ng Kapuso star na si Bianca Umali last Saturday (March 17) at the Marquee Tent, EDSA Shangri-La Hotel. Isa sa mga guests at 18 candles ni Bianca na um-attend ng kaniyang celebration ay walang iba kung hindi ang kaniyang Kambal, Karibal co-star na si Kyline Alcantara.

Naging palabiro noong una si Kyline sa kaniyang 18 candles message para kay Bianca.

Aniya, "Bianca, 18 ka na, pwede ka nang makulong [laughs]. Makakapag-vote ka na rin sa next elections. Siyempre, I'm so honored dahil ikaw ang unang-unang naging bida ko dito sa GMA. 'Di na ako magbibigay ng quotes na ma-e-empower ka because empowered woman ka na. And nakaka-inspire ka because lahat ng ginagawa mo, hindi 'yon nagagawa ng mga tipikal na 18-year-old. Nakaka-inspire ka talaga, promise, walang halong showbiz, maniwala ka sa'kin."

Sa exclusive interview naman ng GMANetwork.com kay Kyline, sinabi niya ang kaniyang birthday wish para sa debutante. "Siyempre more projects to come dahil deserve niya naman lahat ng praises and achievements na natatanggap niya ngayon and sana magkasama pa kami sa ibang projects na maihahandog sa'min ng GMA Network."

Pagdating ng taong 2020 ay 18 na rin ang edad ni Kyline, plano niya rin kayang mag-debut gaya ni Bianca?

"Well ngayon, gusto kong mag-debut pero malay natin sa mga susunod na years kung gusto ko mag-travel. Depende sa mood ko," wika ng aktres.