Celebrity Life

LOOK: Nico Bolzico at Georgina Wilson, may pustahan sa magiging baby ni Isabelle Daza

By Aedrianne Acar

May pahiwatig na ang former Eat Bulaga star na si Isabelle Daza na sa ilang araw na lang ay ipapanganak na niya ang una niyang baby with hubby Adrien Semblat.

#BabyAlert: Lovi Poe spills the beans on Isabelle Daza's due date

Ilang linggo na ang nakakaraan, may Instagram story ang kaibigan ni Isabelle na si Lovi Poe patungkol sa due date ng aktres.

May pasilip naman din ang former dabarkad sa kaniyang Instagram story sa mga ginagawa nilang paghahanda.

Isa na dito ang friendly bet nina Georgina Wilson at asawa ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico sa magiging kasarian, weight at araw ng kapanganakan ng baby nina Mr. and Mrs. Semblat.