Celebrity Life

Zia Dantes, Scarlet Snow Belo, Tali Sotto, ano ang minana sa celebrity parents ayon kay Lolit Solis?

By Cherry Sun

Bata pa lang sina Zia Dantes, Scarlet Snow Belo at Tali Sotto pero pansin na raw ni Lolit Solis ang mga katangiang namana nila sa kanilang celebrity parents.

Anang batikang talent manager at talk show host, patunay ang tatlong celebrity kids na may namamana ang mga bata sa kanilang magulang.

Sambit ni Lolit, “Tingnan mo si Scarlet, para siyang very guarded ang kilos kahit sa gitna ng kapwa niya bata, parang si Dra. Vicki Belo na hindi agad nakikipag-tsika tsika 'pag bago niyang kilala. Si Zia naman, bata pa lang maarte na, very playful agad, parang nanay niya na si Marian Rivera.”

Kuwento rin niya tungkol kay Tali, “Ang ingay, gusto talaga ako talbugan, magsalita ka, sagot siya agad, at malakas iyon boses ha. Namana niya pagiging machika ni Pauleen, kaya no wonder, sobra siyang love na love ni Bossing Vic.”

Sa parehong Instagram post, ipinahayag din ni Lolit ang kanyang paghanga sa mga celebrity dads na very hands-on sa kanilang baby girls. Excited din daw siyang makita ang paglaki at pagdadalaga nina Zia, Scarlet at Tali.