Celebrity Life

EXCLUSIVE: What makes Neil Ryan Sese a cool dad?

By Jansen Ramos
Published April 11, 2018 5:02 PM PHT
Updated April 11, 2018 5:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News



Malapit sa personalidad ni Neil ang role niya sa morning series na 'Ang Forever Ko'y Ikaw' dahil disciplinarian but cool dad din siya tulad ni Lance.

Malapit sa personalidad ni Neil Ryan Sese ang role niya sa morning series na Ang Forever Ko'y Ikaw dahil disciplinarian but cool dad din siya tulad ni Lance.

Always captured sa kanyang Instagram account ang fun moments nila ng kanyang pamilya. Sa katunayan, favorite bonding activity nila ang travelling, kaya nitong nakaraang Holy Week lamang, imbes na mag-beach, ay nag-tour sila sa Norte. 

 

Last day of our North Luzon Tour. ????

A post shared by neilsese (@neilsese) on

 

Ikinuwento niya sa isang eksklusibong panayam na tinuturuan niya ang kanyang mga anak na enjoy-in ang kanilang kabataan. 11 years old ang kanyang panganay na si Kahlia, samantalang 3 years old naman ang kanyang bunsong si Gabriel.

"Sinasabi ko sa mga anak ko na enjoy-in n'yo 'yung buhay n'yo. 'Di kailangan pagalingan sa school, basta mahalaga na-e-enjoy n'yo 'yung buhay n'yo everyday. 'Yun 'yung tinuturo ko sa kanila."

Dagdad pa niya, mas mabuting wala pa silang social media accounts para madisiplina at para makapag-focus sila sa kanilang interests. Tila namana nga raw ng panganay niyang anak ang hilig niya sa teatro.

"Yung anak ko, malibro siya. Kung manonood man siya sa YouTube, puro broadway ang pinapanood like Hamilton, Les Miserables, at Phantom of the Opera. 'Yung Phantom of the Opera,'di ko nga kinaya 'yun kasi 4 hours 'yun! Galing kami ng asawa ko [Trineth Sese] sa theater pero ibang level 'yung anak ko," kuwento niya.