
Ibinahagi ni Chynna Ortaleza ang magandang balita na siya ay nakabuo na ng kuwento sa tulong ng batikang manunulat na si Ricky Lee.
Si Chynna ay parte ng 18th scriptwriting workshop na nagsimula nitong January 2018. Nakasama ng Kapuso star ang kanyang asawa na si Kean Cipriano, ang aktres na si Jessy Mendiola at iba pang mga nais matuto mula mismo sa novelist and playwright.
READ: Chynna Ortaleza, Kean Cipriano & Jessy Mendiola join Ricky Lee's scriptwriting class
Ayon sa post ng Idol sa Kusina host ay masaya siyang nakatapos ng kuwento sa tulong ng isang kilalang manunulat. Aniya, "Nakabuo ng kwento dahil sa tulong ni Sir Ricky at ng buong Batch 18. Rewriting stage na!"
Nagpasalamat din siya kay Kean dahil siya ang tumulong kay Chynna upang magpursige sa scriptwriting.
"P.S. Mahal ko @kean salamat sa pagtulak muli!"