Celebrity Life

WATCH: Nar Cabico, naranasan nang mag-shoplift noon para lang makakain?

By Felix Ilaya
Published April 22, 2018 4:01 PM PHT
Updated April 22, 2018 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News



Sa interview ni Rhea Santos para sa 'Tunay na Buhay,' ibinahagi ng singer/actor na si Nar Cabico ang isa sa mga lowest point ng kanyang buhay. Silipin 'yan dito.

Sikat ngayon si Nar Cabico kaniyang role sa The One That Got Away bilang ang nakakatuwang si Bunny. Ngunit sa likod ng mga jokes at hirit niya sa telebisyon, alam n'yo ba na maraming naging pagsubok si Nar bago siya pumasok sa mundo ng showbiz?

Inalam 'yan ni Rhea Santos ng makapanayam niya ang Kapuso singer-actor sa Tunay Na Buhay.

Kinuwento ni Nar ang naging karanasan niya bilang isang working student sa Maynila habang nagsisikap sa abroad ang kaniyang mga magulang.

Aniya, "I was a working student tapos kailangan kong i-keep 'yung grades ko and with my first guitar, nilibot ko pa 'yung Malate. I was knocking on restaurants [asking] 'Kailangan n'yo po ba ng singer?' [I was] 16, first year college."

Dagdag pa niya ang isa sa mga lowest moments ng kaniyang buhay, ang time na kinailangan niyang mag-shoplift para lang may makain.

"Merong time na wala na, nagsara na 'yung bar, wala akong makain, talagang naglalakad ako sa Harrison. Dalawang araw na ata akong walang meal? Talagang tubig lang 'yung nasa sistema ko. Tapos pumunta ako sa grocery store, isang maliit na tsokolate. Tapos madali akong pumunta sa CR kasi baka habulin ako ng whatever. Tapos umiiyak ako sa banyo, kinakain ko 'yung tsokolate tapos sinasabi ko 'Hindi na mauulit 'to, hindi pwedeng maulit 'to," kuwento ni Nar.

Sa kabila ng struggles at hardships, ngayon naman ay namamayagpag na ang career ni Nar sa industriya at masaya rin ang kaniyang lovelife married to his husband, VJ Capule.

Panoorin ang Tunay Na Buhay below upang malaman ang aral ng buhay ni Nar: