
Kahit 15 years old pa lang si Kapuso actress Kyline Alcantara, marunong na siyang mag-ayos ng sarili niyang kilay.
Kailangan daw kasi ito sa linya ng kanyang trabaho.
"Natuto akong mag-kilay nung nagte-theater ako. Kasi siyempre sa theater, you need to do it on your own kasi wala kaming makeup artist doon," paliwanag niya.
Self-study ang ginawa ni Kyline para matutong mag-kilay sa sarili. Sinundan lang daw niya ang mga tutorial ng mga makeup guru na pinapanood niya sa Youtube.
"Natuto ako, international, kay Michelle Phan and then kay Patrick Starrr. 'Yun naman siguro 'yung kagandahan ng internet ngayon," aniya.
Panoorin kung paano i-groom ni Kyline ang kanyang mga kilay sa feature sa kanya ng Reel Time: