
Bukod sa pagpapatawa, kilala rin si Bitoy sa kanyang talento sa pag-drawing. Kaya naman tuwang tuwa at proud na proud si Bitoy nang magkaroon siya ng pagkakataon na makipagpalitan ng drawing sa Disney animator na si Mark Henn.
Sulat ni Bitoy, "Art swap with Mark Henn! Kung kilala n'yo sina Mulan, Ariel, Tiana, Jasmine at si Belle from DISNEY, magpasalamat tayo kay Mark Henn! S'ya ang nag-design ng characters nila!
Dagdag pa niya: "I'm a fan of his works and I got to interview him thanks to @disneyphilippines ! Iva-vlog ko 'to! Abangan n'yo!"