
Sa New Zealand naninirahan ang vlogger na si Kimpoy Feliciano, kasama niya dito ang kanyang pamilya noong 2009 pa. Paano kaya siya naging vlogger turned Kapuso actor?
Kuwento niya, "Nagva-vlog po ako. I got a message lang, a DM sa Instagram ko na "We're from GMA" ganyan, "and we're doing this primetime [series] and naisip ka namin. Are you interested for this role?""
Dagdag pa niya, "So, hindi ko alam if napanood ba nila 'yung una kong audition or napili lang nila ako. So, sabi ko, "sige po, game." And then pag-uwi ko po dito, presscon and taping po agad."
Patok naman sa viewers ang kanyang eksena kasama ang komedyanteng si Tekla. Ano naman kaya ang reason sa tingin ni Kimpoy kung bakit naging hit ito?
Alamin at panoorin ang highlight sa Tunay na Buhay: