Celebrity Life

READ: 'TGIS' original member Michael Flores reminisces being ousted out of his dance group in lieu of the show

By Rowena Alcaraz
Published August 26, 2018 5:47 PM PHT
Updated August 27, 2018 9:49 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Experience a heartwarming taste of Christmas
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News



Sa pagdiriwang ng anniversary ng TGIS o Thank, God, It's Sabado, ang youth-oriented show na sinubaybayan ng maraming kabataan noong '80s, hindi naiwasan ng original member nito na si Michael Flores ang magbalik tanaw. Read on!

Sa pagdiriwang ng anniversary ng TGIS o Thank, God, It's Sabado, ang youth-oriented show na sinubaybayan ng maraming kabataan noong '80s, hindi naiwasan ng original member nito na si Michael Flores ang magbalik tanaw.

Ibinahagi ni Michael ang kanyang mga alaala kung paano siyang napasama sa nasabing show.

A post shared by PHILIPPIANS 4:13 (@michaeljohnflores) on


"These pictures were taken 23 years ago for a youth oriented show called TGIS. At first I was really hesitant of being an actor. Masaya na kasi ako sa pagiging isang mananayaw sa grupong Manoeuvres. From 1992-1995 naging member ako ng grupong Manoeuvres. It came to a point na nahirapan na ako pagsabayin ang pagsayaw at pag-arte dahil mas naging busy na ako sa pagiging artista nung mga panahon na 'yun."

Dagdag pa ni Michael, "Manoeuvres decided na tanggalin na lang ako sa group at mag focus na lang daw ako sa pagiging artista dahil nakita nila 'yung potential ko as an actor at 'yung bilis ng pag angat ng career ko. Honestly, naiyak ako when I found out about it. Dahil mahal ko din talaga ang pagsasayaw."

A post shared by PHILIPPIANS 4:13 (@michaeljohnflores) on


Pagtatapos ni Michael, "Aug 12, 1995 pinalabas ang show na TGIS. First season pa lang akala namin di na magtatagal ang show. Nagulat na lang kami nung nag second season, bigla na lang kaming nag number 1... and the rest was history."