
Isang nakakatawang post ang ibinahagi ni former Eat Bulaga Dabarkad Sam YG sa kanyang Instagram matapos subukan ng DJ na hanapin ang kanyang tunay na pangalan online.
"Samgyupsal" ang lumabas sa kanyang online search imbes na Samir Gogna, ang kanyang tunay na pangalan.
Saad ni Sam, "Haaayyy..minsan talaga 'di ko na alam kung ano'ng purpose ko in life."
Samantala, isa pang konektado sa samgyupsal ang Kapuso actress na si Kris Bernal matapos siyang magtayo ng kanyang Korean barbecue restaurant na House of Gogi. Panoorin ang Kapuso Web Specials video featuring Kris and her business.