Celebrity Life

Maine Mendoza, rumaket nga ba sa KMJS Gabi ng Lagim special?

By Loretta Ramirez
Published October 30, 2018 1:55 PM PHT
Updated October 30, 2018 2:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan, easterlies to bring cloudy skies, rains over parts of PH on Monday, Dec. 15
Visually impaired soldier promoted from captain to major

Article Inside Page


Showbiz News



Maine Mendoza, game na nakipagbiruan sa kanyang fans tungkol sa pagkakahawig niya sa isang aktres na gumanap sa "Amaranhig" segment ng "Gabi ng Lagim" Halloween special ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Inabangan at tinutukan ang Halloween special ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) noong Linggo (October 28) na pinamagatang "Gabi ng Lagim."

Ilang mahiwaga at puno ng kababalaghang mga istorya ang siniyasat at tinalakay ng KMJS, kabilang na rito ang kuwento ng mga "Amaranhig" sa probinsiya ng Aklan.


Sa pagsasadula ng kuwento ng Amaranhig, laking gulat ng mga manonood nang makita ang isang pamilyar na mukha...ang mukhang hawig kay Dabarkads Maine Mendoza.

Maraming netizens ang nag-post at nagtanong sa social media kung siya nga ba ang nasa episode ng KMJS. Kaya naman minabuti ng Phenomenal Star na sagutin ito.

"Kailangan din rumaket paminsan-minsan... lol," ang pabirong sabi ni Maine.


Pero hindi niya inaasahang marami ang maniniwala sa kanyang post kaya naman nilinaw na niya ito sa pamamagitan ng isang pang mensahe sa Twitter.

"In fairness ang daming paniwalain.. hindi po ako yan, kamukha lang! Kasi naman in demand talaga yung beauty namin pag Halloween pero mas fashiown ako sa kanya n0h!"

Sinamahan pa niya ito ng isang litrato noong gumanap siya bilang taong-grasa.


Marami natuwa sa post na ito ni Maine at ang ilan ay nagbigay pa ng suhestyon sa maari niyang susunod na raket para sa Halloween: