
May personal na dahilan daw si Rita Daniela kaya pumayag siyang mag-pose para sa isang sexy magazine.
Sa panayam niya sa Tunay na Buhay, sinabi ni Rita na isa raw sa mga dahilan kung bakit niya ginawa ito ay gusto niyang ipakalat ang "body positivity" sa pamamagitan ng kaniyang mga ginagawa.
Sabi ng My Special Tatay actress, "Naranasan ko 'yung i-discriminate ka ng tao.
"[Kaya] mas finocus ko 'yung interview ko rin sa self-love.
“Kasi, iba na 'yung nagagawa ng social media, parang everyone's adjusting their standards for earthly things and worldy things, and hindi dapat ganun."