
#ParaSayoAngLabanNaTo at #WagMoAkongHamunin, ang mga hashtag na ginamit ni Ashley Rivera nang kumasa siya sa mga nauusong pose ngayon sa social media.
Hindi basta-basta nagpaiwan ang internet sensation-turned-actress na si Ashley sa kanyang kapwa social media influencers.
Aniya, “Bilang isang “zowshal meeja influwensohr” kailangan nakikisabay ako sa uso. Buhangin sa pwet? GO! Pataasan ng bikini? GO! Labasan ng kuyukot? GO! Paputian ng singit? GO! ANOOO??? TARA NA????”
Ikinatuwa naman ng netizens ang sexy yet funny na paandar ni Ashley.