
Nag-viral sa social media ang post ni Heart Evangelista sa kaniyang Instagram Stories.
Nag-video si Heart na nakasuot ng isang magarbong gown at sinabing, “This is my look for today. I am on my way to go to the grocery to buy corned beef.”
Sa susunod na video, ni-reveal naman ni Heart na siya ay nagbibiro lamang at ang gown na ito ang suot niya para sa GMA Christmas Special.
Samu't sari ang naging reaksiyon ng mga netizen sa ginawa ni Heart.
Tuwang-tuwa ang karamihan at may mga nagsabi pa na magsusuot din daw sila ng gown 'pag bumili ng corned beef.
Mapapanood si Heart at iba pang Kapuso celebrities ngayong darating na Linggo, December 16, sa Puso Ng Pasko: The GMA Christmas Special.
SNEAK PEEK: Puso Ng Pasko: The GMA Christmas Special