Celebrity Life

Maxine Medina, binanatan ang netizen na sinabing 'hindi deserving' si Catriona Gray

By Aedrianne Acar
Published December 18, 2018 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS reunites for a celebration ahead of Christmas
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News



Hindi na naiwasang pumalag ni dating Miss Universe Philippines Maxene Medina sa komento ng isang netizen na nagkukumpara sa kanilang dalawa ni Catriona Gray.

Isa sa labis na natuwa sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa 2018 Miss Universe pageant ay ang dating pambato ng Pilipinas na si Maxine Medina.

Maxine Medina
Maxine Medina

LOOK: Stunning swimsuit photos of 2018 Miss Universe Catriona Gray!

Matatandaan na si Maxine ang nag-represent sa Pilipinas sa Miss Universe noong 2016, kung saan ginanap ito sa ating bansa. Umabot ang morena beauty sa Top 6 ng naturang pageant.

Heto ang naging reaksyon ni Maxine Medina sa big win ni Catriona Gray.

Our 4th @missuniverse 🇵🇭@catriona_gray congratulations ❤️😭🙏🏼

Isang post na ibinahagi ni Maria Mika Maxine Medina (@maxine_medina) noong

Samantala, pumalag naman ito sa naging komento ng isang netizen na ikinumpara silang dalawa ni Catriona. Hindi din nagustuhan ni Maxine nang sinabi ng basher na 'hindi deserving' si Catriona Gray para sa titulo.

Tugon ni Maxine, “Madami talagang hindi masaya sa buhay. TRY JOINING 1 time big time, let's see how good you guys really are!”