
“I'm always here for you kahit ano mangyari.”
Ito ang sweet messageni Ruru Madrid para sa kaniyang matalik na kaibigan at dating Encantadia co-star na si Mikee Quintos.
Idinaan ng 21-year-old Kapuso actor ang kaniyang pagbati para sa Onanay star sa pamamagitan ng Instagram.
Ipinost ni Ruru ang larawan ng kaniyang kaibigang nagdiwang ng ika-21 na kaarawan kahapon, December 18.
Sabi niya sa caption, "Happy Birthday, Bee! Salamat ng marami sa lahat lahat, I'm sorry kung di na tayo madalas magkasama dahil magkaiba tayo ng work pero I want you to know na love kita.
“Wag ka na magtampo ah, haha! Love you, Bee.
“I'm sure matutupad mo lahat ng dreams mo kasi sobrang sipag mo and I know na sobrang love mo din ang craft mo. I'm always here for you kahit ano mangyari. :) Love you, Bee! @mikeequintos"
Sinagot naman ito ni Mikee, "So ito ang nagwaging picture!! HAHAHA I love it!! Always thankful for our friendship, Ruru! Kita naman support ko sayo sa photo na yaaan *winkwink*
“I got you, no matter what. Alam mo yan Love you, Bee!!"