
Kasalukuyang nasa New York si Rhian Ramos para mag-aral ng short acting courses. Sa isang Instagram post, ipinasilip niya ang realidad ng kanyang pamumuhay sa ibang bansa.
Kuwento ni Rhian ay nawala ang kanyang wallet sa New York kaya naman para mawala ang kanyang stress sa pangyayari ay pinili niyang maglinis ng kanyang apartment.
Aniya, "The images you're about to see are kinda gross. Viewer discretion is advised. Lost my wallet, spent all day upset and didn't wanna go out.. but I did, I bought a brush, disinfectant wipes, and swiffer pads.. I was paranoid the whole time though. This video is as social as I get today."
Maraming netizens ang concerned sa pagkawala ng wallet ni Rhian at marami ring humanga at naka-relate sa kanyang sipag.
Mananatili si Rhian sa New York para sa kanyang pag-aaral sa loob ng anim na buwan.