WATCH: Addy Raj, nag-caroling for a cause
Naging makabuluhan ang unang caroling experience ng Kapuso hunk na si Addy Raj. Sinamahan kasi niya ang isang grupo ng carollers para makakolekta ng pera para sa kanilang outreach program.
Napanood sa Unang Balita nang mag-caroling for a cause si Addy. Kasama niya ang mga miyembro ng Kiddie Henyo Tutorial Center sa pagkanta ng Christmas songs sa iba't ibang bahay.
Masaya si Addy na sa una niyang karansan ng Pinoy tradition na ito ay may pagkakataon siyang tumulong.
Aniya, “I'm being very honest, I've never experienced something like this in my whole life kasi 'di ba sa India hindi masyadong malaki ang Pasko. So hindi sobrang mahalaga ang Pasko and 'yun ang dahilan kung bakit gusto ko nandito sa Pilipinas.”
“Lahat ng kita natin ngayon ibibigay ko sa Kiddie Henyo Tutorial Center,” dugtong niya.