Celebrity Life

EXCLUSIVE: Jak Roberto, Barbie Forteza reveal their New Year's resolution for each other

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 2, 2019 12:10 PM PHT
Updated January 2, 2019 12:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcos to Palace employees: Stay focused amid the political noise
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News



Isa lang daw ang hiling ni Barbie Forteza na baguhin ng kaniyang boyfriend na si Jak Roberto ngayong 2019. Alamin dito:

“Mag work-out.”

Jak Roberto and Barbie Forteza
Jak Roberto and Barbie Forteza

Ayan ang mabilis na sagot ni Jak Roberto nang tanungin ng GMANetwork.com kung ano ang gusto niyang New Year's resolution para sa kaniyang girlfriend na si Barbie Forteza.

“Bihira ko maisama sa gym, pilitan. Kumbaga, 'pag talagang nasa mood lang siya.” dagdag ni Jak.

“Ano naman, pwede naman pagbigyan kasi madalas puyat siya sa taping, sa mga guesting, kung maiisingit lang naman sana masama ko siya sa gym.”

LOOK: Julie Anne San Jose thirdwheels Jak Roberto and Barbie Forteza's date

Sa tagal ng kanilang pagsasama, wala naman daw gustong baguhin si Barbie kay Jak maliban sa isang bagay: buhok.

“So far, sa tinagal naman ng pagsasama namin, wala naman ako gustong baguhin kay Jak, buhok lang,” palokong sagot ni Barbie.

LOOK: Barbie Forteza at Jak Roberto, nagmadaling umuwi para makita ang isa't isa sa New Year

Muling magkakatrabaho ang magkasintahang sina Barbie at Jak sa upcoming teleserye ng GMA, ang Kara Mia.